Matapos silang kumain ni Kian tinupad nito ang sinabi nitong ihahatid na siya nito sa bahay nila. Paninindigan na sana niya ang pag a-hunger strike para naman makonsensya si Kian sa ginawa nito, kaya lang pinanakot nito sa kanya na hindi siya nito ihahatid sa bahay nila kung hindi siya kakain kaya naman napilitan siyang kumain para lamang makauwi na at makapagtanong-tanong sa mga magulang niya kung ano nga ba ang nangyayari. "Salamat sa paghatid," pasalamat niya habang papasok na sa loob ng kanilang bakuran ang sinasakyan nilang kotse. Silang dalawa lang ni Kian ang umalis ng bahay nito, hindi ito nagsama ng SG nito pati driver wala din, as in silang dalawa lamang. Marahil dahil tiwala naman ito na walang gagawa rito ng masama dahil sa loob siya ng San Nicolas. Sinulyapan lang siya ni Ki