"What?" Tanong niya at napatitig sa binata. "Pakiulit nga ng sinabi mo, Kian," she said. Ang puso niya ay tumigil sandali. O baka naman sobrang bilis ng t***k nito kaya pakiramdam niya ay hindi na ito tumitibok. Nais niyang makatiyak na hindi siya nagkamali lamang ng dinig sa sinabi nito kanina. "I f*****g marry you, Amanda! Pakakasalan kita," tugon nito sa kanya. Ang boses ni Kian ay buo, mabigat, at walang bahid ng pagdududa. Hindi iyon tanong. Hindi iyon lambing. Utos iyon na binalot sa salitang kasal. Kumunot ang kanyang noo at hindi nag-alis ng tingin sa mga mata ni Kian. Seryoso ang mga iyon. Maitim. Matigas. At mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nito. Pakakasalan siya nito. As in kasal agad? Parang binuhusan siya ng malamig na tubig kahit hindi naman siya basa. Kanina l

