Kinabukasan pag gising niya agad niyang naramdaman ang pananakit sa ibabang part3 ng kanyang katawan. Muli siyang nagpikit ng mga mata para kahit papano mawala ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita. Halos hindi nga siya nakatulog kagabi sa kaiisip ng kung anu-ano tungkol sa kanila ni Kian, sa mga nangyari at sa mga napag-usapan nila nito kagabi. "Damn," mura niya at napatitig sa puting kisame. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya, hindi pa rin nag si-sink in sa kanya ang mga nangyari, masyado kasing mabilis ang mga pangyayari. Lahat kasi ng nangyari sa kanila ni Kian ay una sa kanya. "Kasal?" Tanong niya sa sarili habang walang kurap pa ring nakatitig sa kisame. "Nababaliw na ba ang Kian na iyon at nais niya kong pakasalan ng ganun-ganon na lang," patuloy