"Damn it!" Mura n'ya at natapon ang lahat ng laman ng mesa. Mababaliw na yata s'ya ngayong nasa kamay na ni Glenn si Lianne. Paano n'ya ililigtas ang asawa ngayon? Kung bakit naman kasi anong pumasok sa isip ng asawa at nakikipagkita ito kay Glenn. Minaliit ng asawa ang kakayahan ni Glenn kaya ayan bumagsak sa mga kamay ni Glenn si Lianne. "Bullshit!" Mura n'ya habang pinapakalma ang sarili. Mariin s'yang napapikit ng pumanhik nag security para sabihin ang nangyari sa labas ng building. Sinabi nitong pinasusundan na ang kotseng kumuha sa asawa n'ya. Hindi pwede maupo lang s'ya basta dito at hintayin ang report ng mga ito, asawa't anak n'ya ang nasa panganib. "Sundan natin," sagot n'ya sa security. Papalabas na sila ng tumunog ang cellphone, ang Kuya Gavin n'ya ang tumatawag. Marahil