Chapter one hundred twenty one CLARK’S POV’S FLASHBACK Nagmadali akong umalis sa venue para hanapin si Madison, gusto ko lang malaman na ligtas siyang makakauwi kaya hinanap ko siya. Kung saan saan ako napadpad hanggang sa makita ko siyang naglalakad. Awang awa ako sa kanya, tinatawagan ko si Fame pero hindi niya ako sinasagot, mukhang galit din ang kaibigan ko sa akin. Huminto si Madison sa may tulay habang umiiyak, natakot ako na baka kung ano ang maisip niyang gawin kaya naman tumawag ako sa pulis station para ireport siya. Mabuti na lang mabilis silang dumating, hind inga ako nagkamali, may balak siyang tumalon doon. Nanunuod at nakikinig lang ako sa pag uusap nila ng pulis, hindi ko napigilan mapaluha ng makita kong naglalabas ng sama ng loob si Madison sa pulis na kumakausap