Chapter one hundred twenty FAME’S POV’S Papunta ako ngayon sa bahay ni Madison, nagbabakasakaling makita siya na umuwi doon at makausap siya. Ngayong alam ko na may dahilan kaya nagawa yun ni Clark sa kanya ay kailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Naniniwala naman ako na maiintindihan ni Madison lahat ng dahilan kung bakit nagawa iyon ni Clark. Kaso, pagdating ko sa bahay ay naabutan ko silang nagbabangayan, nagkita na pala sila dito sa bahay at lahat ng mga gamit ni Madison ay kinuha na niya. Saan siya lilipat? Pinilit kong ipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari kaso pinipigilan ako ni Clark na magsalita, bakit hinahayaan lang niyang magmukha siyang masama sa paningin ni Madison? Umalis si Madison ng may sama ng loob at hindi lang aky Clark kung hindi pat isa akin dahil ang aka