ISANG linggo na ang nakalipas pagkatapos ng palpak na paglason kay Cassandra. Salamat sa anghel na nagbabantay sa kaniya at hindi siya hinayaan nito na mapahamak. Hindi lang iyon dahil napagtanto niya rin ang mahalagang aral... Ang walang ibang pagkakatiwalaan kung hindi ang sarili lamang. Simula ng gabing iyon ay nag-lie low itong anak ni Fernando sa paglalaro ng dahas. Mainam para sa paghilom ng sugat sa katawan ni Cassandra. Sa kabilang banda, imbes na gumaling, nanatiling sariwa ang sugat sa paa ni Toto. Tanging piraso ng tela ng lumang damit ang ginawa nitong benda upang protektahan ang sugat mula sa langaw dahil hindi naman niya iyon masasaway sapagkat siyang kumakayod kalabaw sa ilalim ng araw. Kung saan-saan na nakakarating ang paika-ikang si Toto para lamang mapuno ang dala-dala