NORA "Oo, kinausap ko na sila at pumayag naman silang makipag-cooperate sa akin. Wag kang masyadong demanding dyan, Chabita at hindi naman maganda ang relasyon ko sa aking mga pamangkin. Maghintay ka na lang ng resulta dahil nararamdaman ko ngayon pa lang na tatawagan na sila ni Cassandra. Ngayon pa naman ay talagang desperado silang makausap ang kanilang ate dahil sa labis na pag-aalala. Kaya ia-update na lang kita, ha?" sabi ko kay Chabita sa kabilang linya. Nakakaano lang dahil ilang oras pa lang ang nakakalipas noong sabihin niya sa akin ang tungkol sa nangyari tapos hihingian na niya kaagad ako ng resulta? Sabihan niya pa ako na hindi siya makikihati sa pabuyang makukuha ko, eh, siya itong atat na atat. "Basta siguraduhin mong hindi ka papalpak, ha? Tumatakbo ang oras, Nora. Maaar