DANIEL "Maaari mo bang isalaysay sa harap ng hukumang ito ang buong detalye ng nangyari noong gabing mamatay si Don Fernando?" mahinahong tanong ng hurado. Akala ko, kapag nakatungtong na ako sa bulwagang ito ay mabilis na mag-a-adapt ang sarili ko sa mga tao at sa prosesong kinalalagyan ko. Ngunit kahit anong paghahanda ay kinakabahan pa rin ako. Lalo na kung lahat ng nasa silid ay mga nilalang na hindi mo kilala. Mga taong alam kong hindi ko kakampi. "Daniel?" tanong muli ni Judge. "O-Opo," utal-uta kong tugon. Naglakad ako, hinila pala ng pulis ang braso ko paunahan. "Sa mga tao ka humarap, Daniel." Sinunod ko iyon. Dahan-dahan kong ipinihit ang aking katawan at humarap sa mga tao. Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na mahanap ng mata ko si Cassandra. Hindi ko alam,