TOTO SABADO, pasado ala una ng hapon. Binulabog kami ng malalakas na katok mula kay Alfred. Noong pagbuksan ko siya, mayroong mayabang na ngisi sa kaniyang mukha na naghatid ng kaguluhan sa akin. "Woah, ganda na ng bahay niyo, ah! Mukhang tiba-tiba ang ate mo sa sugar daddy niya't maraming naipapadala sa inyo. Gano'n talaga kapag gipit, minsan hindi sa bumbay kumakapit. 'Yung iba, sa matandang malapit nang mamatay," birada nito. "Anong ipinunta mo rito?" tanong ko. "Penge Pam. Nakakakain na kayo nito, ah! Mukhang marami na kayong pera! Alam niyo ba kung saan galing 'yan?" "Sagutin mo ang tanong ko Alfred. Anong pakay mo? Bakit ka pumunta rito? Inutusan ka ba ng nanay mo?" sunod-sunod kong tanong. Hindi niya ako pinansin, bagkus, nagtungo siya kay Pampam at humingi ng kinakain niton