Pag-uwi ko sa bahay namin, sinalubong ako ng init ng yakap ng dalawa kong kapatid. Ang kanilang ngiti ang tumunaw sa malaking problemang nananahan sa aking isip kanina-kanina lang. Kumapit sa bewang ko si Jekjek habang si Pampam ay diretsong kinuha iyong dala kong mga supot. "Mahulog ah, mainit 'yan," paalala ko. Baka kasi isipin niya bahaw na iyong ulam. "Kuya adobo 'to? Tapos hala pa-pop! Yey! My pa-pop! Jek ohhh nay chocolate na dala si kuya Toto!" masayang bulalas ni Pampam. "Yey! Salamat kuya!" "Salamat kuya!" Pagkatapos nilang sabihin iyon ay tumakbo na sila patungo sa loob ng bahay. Nakangiti ko silang pinagmasdan habang nananatili ang malawak na ngiti sa aking mukha. Tuluyan na ngang ninakaw ng kaligayahan ang isip at puso ko. Kung ano man ang mayroon kami at kung ano man ang