CHLOE "Are not feeling nostalgic, Cassandra? I managed to save this mansion para maikulong ka rito't samahan kami ni manang," usal ko. I did everything to save this house kahit ang kapalit no'n ay pagkawala ng aking dignidad. Kailangan kong lumuhod sa matandang hukluban na iyon para lang matulungan akong hindi mawala sa akin ang bahay. "Kinda empty, right? Kailangan kong ibenta ang ibang mga gamit para may makain ako. Oh, don't look at me na parang naaawa ka sa akin dahil hindi ko kailangan ang awa mo," wika ko. "Kaya mo ba ako kinuha..." saglit siyang tumigil sa pagsasalita. "Hindi mo ba nakuha ang pamana ni Don Fernando kahit na pinirmahan ko iyong kasunduan?" dugtong niya. Huminga ako nang malalim. Ayaw kong magkaroon ng mahabang usapan sa katulad niya. Ang plano ko, hindi sagutin