CASSANDRA Hindi ko alam kung bakit kailangan pang palakihin ni Don Fernando ang nangyari, bakit kailagan niya pang ipatawag ang lahat ngayon dito sa salas. Maari niya naman sana silang kausapin na lang para pagsabihan hindi sa ganitong paraan. Mapapahiya lamang sila manang Esther, ayaw kong mangyari iyon. Naranasan ko na rin ang mabalot ng inggit ang puso kaya naiintindihan ko sila. Pero mali pa rin ang kanilang ginawa at kahit gusto ko silang pagsabihan, hindi nila ako pakikinggan dahil sa ako ay di hamak na mas bata sa kanila. Isa sa mga iniingatan ng tao ay ang kaniyang pride. Bukod sa puso, iyon ang ayaw na ayaw nilang mabasag. "Pa? Ano na naman ito? Bakit na naman may pa-meeting ka para sa babaeng iyan? Kainis, ah, talagang bago pa mag-dinner saka ka nagpatawag ng ganito? Ano ba