Isang linggo na ang nakakalipas simula nang umuwi siya ng Baler. Pero pakiramdam niya kahapon lang nangyari ang lahat. Biglang nawala ang lahat sa kan’ya. Si Axel at ang ipinagbubuntis niya. Si Lexxie na lang ang nagpapasaya sa kan’ya. Isang linggo na pero hindi niya nakakausap si Axel ng maayos, laging pinapasa nito kay Lexxie ang tawag dahil abala kuno ito. Hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang ikinikilos nito. Galit pa rin ito sa kan’ya. “Anong ginagawa ni Tatay, Anak? Diba, wala siyang pasok?” “Pumasok po sa kuwarto niya, ‘Nay. Kailan ka po babalik? Hindi ka pa po ba magaling?” Natigilan siya sa sunod-sunod na tanong ng anak. Ngumiti siya ng matamis dito. “Malapit na anak. Surprise na lang kita, okay?” “I love you, Nanay!” “Mahal ko din kayo, anak. Kiss mo ako kay T