"When your legs don't work like they used to before... And I can't sweep you off your feet..." Nang simulang kantahin ni B ang "Thinking Out Loud" song ni Ed Sheeran, ay nagsimula na ring uminit ang mga mata ni Bernard. Nasa isang resort sila sila sa Batangas, kung saan ay ginanap ang kanilang beach wedding. Dito na rin ang naging reception nila. Ang plano noon ni Bernard ay sa seaside ng Apollo sa Mexico sila magpapakasal. Kaso naisip ni Bernard na delikado kung ngayon sila babalik ng Mexico. Although, hindi rin naman nangyari ang banta noon ni El Padrino na mas may malaking panganib ang darating. Two months na rin simula ng mangyari ang engkuwentro nila ni El Padrino. Pero sa awa ng Diyos, ni minsan sa loob ng dalawang buwan, ay wala pa naman ulit nangyari na hindi maganda sa pamilya n