"So, this is the highlight of my bachelor party?" natatawang tanong ni Bernard nang makarating sila sa isang exclusive classy bar, na binayaran at pinasara pa ng mga kaibigan niya para sa stag party. "Are you sure, pare, na hindi ako tatakbuhan ni Clara sa kasal dahil lang sa highlight na ito, ha?" biro pa ni Bernard kay Kieran. Katulad ng ipinangako noon ni Kieran kay Bernard, ito nga ang nag-set up ng two weeks bachelor party. Katulong ni Kieran sa pag-aasikaso sina Reuben, Dean, Nicolo at lima niyang kaibigan. Sa unang linggo ng stag party, ang ginawa nila ay golf, basketball, bowling, boxing, martial arts, at paint balling. Sa second week naman ay nag-water skiing sila, white water rafting, camping trip, at large dinner. Sina Kieran na rin ang gumawa ng guest list. Pinakita nila iyo