"El Padrino!" gulat na gulat na bulalas ni Bernard. Gusto niya itong paputukan ngunit hindi niya magawa. Hindi magawa ni Bernard na pumatay ng isang kaibigan, lalo na ngayong nagbagong buhay na siya. "Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kailangan mong idamay ang pamilya ko rito?" pag-i-Espanyol ni Bernard. "Kapag sinaktan mo ang mag-ina ko, I swear, kakalimutan kong magkaibigan at magkasangga tayo." "Kung tutuusin, dapat nga, dati pa kita pinapatay sa loob ng kulungan, eh," wika ni El Padrino sa Spanish language. Sakto lang ang timbre ng boses nito. "Dahil hindi mo nga ako inilaglag sa Interpol, binenta mo naman ang lahat ng mga kasamahan natin sa underworld. Pati ibang mga kaibigan at kaalyansa ko ay nakakulong ngayon ng dahil sa'yo. At ilang beses na silang humingi ng pabor sa'kin na patay