Dalawang araw na rin simula nang dumating sila ni Clara rito sa Pilipinas. At hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga ka-lugar nila na pinakidnap sila ni Tiyo Roman. Kulang na lang ay patayin ito ng tatay ni Aarah. Kahit si Clara man ay nagalit sa tiyuhin ng bestfriend niya. Pero hindi iyon naging lubos. Dahil sa kabilang banda, lihim na nagpapasalamat si Clara sa ginawang iyon ni Tiyo Roman. Kasi nang dahil sa nangyari kaya nakilala niya ang totoong ina. At higit sa lahat, nakilala niya si Bernard. Kaya kung ipapakita ni Tiyo Roman na handa itong magbago, handa rin si Clara na patawarin ito. Kahit papaano ay utang pa rin dito ng dalaga ang pagkakakilala niya sa lalaking minamahal. Malungkot na napangiti si Clara nang maalala si Bernard. Two days pa lang pero miss na miss n