"Huwag kayong mag-alala. Tutupad ako sa kung anong napag-usapan natin," puno ng assurance na saad ni Bernard kina Nicolo at Reuben, nang dalawin siya ng mga ito sa kulungan. "Handa akong makipagtulungan sa inyo para mahanap ang natitirang member ng Seven Heads." Noong nakipag-usap si Bernard sa mga Interpol para humingi ng tulong upang iligtas si Clara, alam niyang hihingan siya ng kapalit, bukod sa pagsusuko niya ng sarili. At iyon nga ang hiniling sa kaniya ng grupo ni Gonzales. Kailangan daw niyang makipagtulungan para tuluyang mabuwag ang pinakamalaking mafia sa Asya, at 'yon ay ang Seven Heads. Mabuti na lang, bago namatay ang broker na si Jigsaw, may naibigay itong tips sa kanila na posibleng pagtataguan ng dalawang miyembro. "Gusto kong malaman mo, Ledesma, na hindi ko ito ginaga