Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Clara papasok sa kuwarto nila ni Bernard. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Hindi niya makalimutan ang ginawang pagyakap ng babae sa boyfriend niya. Hindi selosa si Clara. At mas lalong malaki ang tiwala niya kay Bernard. Siguradong nabigla lang ito sa ginawa ng babae kanina. Pero hindi sapat 'yon para mapigilan ni Clara ang sarili na magselos. Nasasaktan siya. Kung katulad lang siya nina Erin at Aarah na eskandalosa, baka sinabunutan din niya ang babaeng 'yon. Umiiyak na nakadapa sa kama si Clara nang marinig ang boses ni Bernard sa labas ng kuwarto. "Labs! Buksan mo 'to!" sigaw nito habang kumakatok. "Let me explain, please..." Ilang tawag at katok pa ang ginawa ni Bernard pero hindi ito pinagbuksan ni Clara. Tuloy-tuloy lang s