"Basta ipangako mo sa'min, mare, na hindi ka kikilos nang hindi sinasabi sa'min," paulit-ulit na bilin ni Nicolo kay Clara nang makarating sila sa bahay na pansamantala nilang titirhan sa New York. Ang bahay na ito ay pag-aari nang isa sa mga kaibigan ni Don Peter ma hiningiam nito ng tulong para sumuporta sa misyon nila rito sa New York. Wala raw nakatira rito kaya puwede nilang tuluyan hangga't kailangan nila. Nang sabihin noon ni Nicolo na susunduin na ng mga ito si Bernard, hindi pumayag si Clara na hindi siya kasama. Gusto niyang makasigurado na maiuuwi nga ng mga ito ang asawa niya. Mamamatay siya sa kahihintay sa Pilipinas. At isa pa, gusto ni Clara na siya ang unang makakita sa asawa at makaalam ng rason kung bakit hindi ito umuwi sa kanila. Ang tagal nakipagtalo ni Clara sa mga