Pakiramdam ni Clara ay nag-akyatan lahat ng dugo sa ulo niya nang makita sina Bernard at Rhizza na malanding nagsasayawan. Sa tanang buhay ni Clara ay ngayon lang niya naramdam ang ganito--ang kumulo ang dugo sa galit. Pinayagan niya kanina si Bernard nang magpaalam itong dadaan sa birthday ni Kapitan Mais dahil ang buong akala niya, mag-iinuman lang. Bukod sa may tiwala naman si Clara sa kapitan, panatag din ang loob niyang narito sa kasiyahan ang limang kaibigan ni Bernard. Pero kanina lang ay nag-video call sa kaniya ang isa pa nilang tropa sa Quiapo na si Ferlyn. Nag-send daw ng video ang kaibigan nitong taga-rito sa Barangay Summer. Kinikilig daw ito sa mga guwapo at mga machong bisita ni Kapitan Mais. Nagulat daw si Ferlyn nang makilala ang limang kaibigan ni Bernard na maharot na