Gulat na gulat pero natuwa ang mga kaibigan ni Bernard nang makita siya ng mga ito na kasama ni Kapitan Mais, papasok sa bakuran ng barangay captain, kung saan ay may kasiyahan. Pero kung nagulat man ang mga kaibigan ni Bernard, mas namangha sa kaniya ang mga bisita, lalo na ang mga babae. Magba-back out sana si Bernard nang makitang naroon din si Rhizza, na nakikipagsayawan kay E. Pero hinila na siya ni Kapitan Mais papunta sa mahabang lamesa, kung saan nakaupo ang maraming bisita na nag-iinuman. "Mga kaibigan, si Boss B nga pala, asawa ni Clara," pakilala sa kaniya ni Kapitan Mais sa mga bisita nito. "Siya ang totoong matapang na nagpatiklop sa tapang-tapangan na si Badong Uwak." Binalingan siya ng kapitan. "Uwak ang tawag namin doon kasi ang ingay." Ang boyfriend ni Rhizza na nakalaba