"Tatay, bakit po ang dark ng eyes mo? Nasuntok po ba kayo?" Napatigil sa pagsubo si Clara nang marinig ang inosente pero madaldal na tanong ni Marikit sa ama, habang kumakain sila ng almusal. Napatingin siya kay Bernard. Nadagdagan nga ang panlalalim ng mga mata nito. Mukhang katulad ni Clara ay hindi rin ito nakatulog kagabi. "Kayo din po mga Ninong Alphabet ko. Para po kayong may mga black eye. Dapat po maglagay kayo ng cucumber. Marami po doon sa kitchen." "Ay, naku, be. Keri na nila ang ganiyang mga mata," mabilis na sagot ni Erin sa inaanak. "Hindi na tatalab diyan ang pipino." "Masasayang pa ang pipino, be," segunda naman ni Aarah, sabay irap sa mga kaibigan ni Bernard. "Kainin ko na lang." "Sige na, anak, kumain ka na..." malambing na utos ni Clara sa anak. Aktong lalagyan niya n