Chapter 101

1159 Words

Kanina pa hindi mapakali si Clara. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak si Bernard. Hindi pa rin ito tumatawag. Samantalang ang usapan nila ay tatawag kaagad ito oras na makarating ng Mexico. Halos hindi na nga natulog si Clara sa kakaabang ng tawag ni Bernard. "Pareng B, akala ko ba twenty hours lang ang usually na itinatagal ng biyahe mula rito hanggang Mexico?" pigil ang kaba na tanong ni Clara kay B. "Dapat kaninang alas singko pa lang ay tumawag na siya. Pero alas otso na ng umaga. Bakit hindi pa rin siya tumatawag?" "Oo, Mareng Clara," sagot ni B. "Dapat nga ay kanina pa siya tumawag. Pero baka naman nalowbat lang." "Pinadalhan ko siya ng full charge power bank. Imposible 'yang sinasabi mo," tila naiinis nang depensa ni Clara. Hindi na niya gusto ang kabog ng dibdib niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD