"Base on my observation, araw-araw tuwing umaga at hapon ay lumalabas ng building si Bernard para bumili ng kape at pagkain, sa food booth na katapat mismo ng laboratory," paliwanag ni Morgan nang tanungin ni Dean kung paano nila lalapitan si Bernard. "Doon mo siya titiyempuhan." Ang sinasabi kasi ni Dean na plano, lalapitan daw nito si Bernard. Titingnan ni Dean ang magiging reaksiyon ni Bernard sakaling makita siya nito. Kailangan din na solo si Bernard at walang ibang kasama. Dahil bukod sa delikado, paraan din iyon para malaman nila kung may amnesia ba o nasa misyon si Bernard. Doon din nila posibleng malaman kung nasa ilalim ba ng black magic ang asawa ni Clara. "Hindi mo na kailangang magpakilala, pare," dugtong ni Nicolo sa paliwanag ni Morgan. "Kung nasa katinuan siya at nagpapan