"Dito na muna kayo matulog," pagpipigil ni Clara sa mag-asawang Aarah at A. May ilang buwan na ring kasal ang bestfrirend ni Clara at bestfriend ni Bernard. Kasalukuyan na ring ipinagbubuntis ni Aarah ang anak nila ni A. Masaya si Clara dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ang beshie niya ng totoong lalaki na magmamahal rito. Sa kabilang kanto lang umuupa ang mag-asawa. Gusto kasi ni A na itaguyod sa sariling sikap ang pamilya kaya ayaw tanggapin ang ano mang tulong pinansiyal mula kay Bernard. Masipag at matiyaga itong naghahanapbuhay bilang jeepney driver. "Sa'kin, besie, okay lang na dito kami magpalipas ng gabi. Ewan ko lang dito sa darling ko," biro ni Aarah sa asawa. "Kanina pa 'yan atat na solohin ako." Kinindatan ni A si Aarah. "Ako lang ba, 'ling? Ikaw nga 'tong panay hanap ng ta