"ANO ho 'yon, Tita?" kinakabahang tanong niya. "Si Dim, at si Lia—" "Alam ko ho, Tita, nagsasama na ho sila, tama?" aniya na hindi na pinatapos ang ginang sa pagsasalita. "Ha?" "Alam ko na ho. Binanggit ho sa akin ni Roby minsang nagkita-kita kami noon sa Manila." Napansin niyang nagkatinginan ang mag-asawa. "Hindi, hija. Baka mali lang ng explanation ang bata. Listen, Althea, hindi ko gagawin 'to para pabanguhin ang anak ko sa 'yo. You know na kaming dalawa ng Papa niya ay hindi kakampihan ang anak namin kung naka-agrabyado siya ng tao." "Tita, pasensiya na po, pero hindi ko ho kayo maintindihan." "Roby is not Dimmitry's son, hija." Lalo siyang naguluhan sa sinabi ng ginang. Pakiramdam niya ay sumakit ang kanyang ulo. Ipinilig niya iyon maya-maya, naisip niyang baka mali laman