INATAKE sa puso ang Papa niya. Na-stroke ito pero mabuti na lang at mild lang dahil nadala ito kaagad sa ospital. Iyak ng iyak ang Mama niya habang nasa labas sila ng ER at hinihintay ang findings ng doctor. "Kasalanan n'yong dalawa ito! Dahil sa kaaaway n'yo, sumama ang loob ng Papa ninyo. Mabuti na lang at ganito na lang ang nangyari, e, paano kung na-stroke siya ng grabe? Mamamatay na lang ba ang Papa ninyo na magkaaway kayong dalawa? Na hindi kayo magkasundo?" Humihikbi ang Mama niya habang umiiyak at pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Dominique. Alam at ramdam niya na masama ang loob nito sa kanilang dalawa at naiintindihan niya ito. Ito ang dahilan kung bakit ayaw sana niyang patulan si Dominique. Pero matagal na siyang nagtimpi. Matagal na niya itong pinagpasensya