Carolline's POV Sobrang saya ng nangyari kagabi. Ilang beses ko pang tinignan ang singsing ko bago ako matulog. Pinagtatawanan pa nga ako ni Francis sa tuwing napapansin niya ako. Halata raw kasi na ang saya saya ko. Pero kanina lang, nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Wala rin ang kambal noong pumunta ako sa kanilang kuwarto. Wala rin 'yong mga katulong dito sa bahay. Tanging ako lang ang natitira sa bahay na ito. Nasaan kaya 'yong mga 'yon? Minute passed. May kumatok sa pinto at dahil ako nga lang mag-isa wala na akong magawa kung hindi pagbuksan sila. Napakunot naman ang noo ko noong hindi sila nagsalita at dumiretso lang sa pagpasok sa loob. "Teka! Sino kayo?" tanong ko. "Hindi kayo maaaring pumasok sa bahay ko na walang pahintulot!" inis na sabi ko. Pero imbis na h