"Sunod-sunod ang pag-atake, Sir Denver. Ang puntirya ay ang maliliit na grupo. Hindi man lang nakakalaban, hindi rin namin maunawaan ang mga strategy na ginagamit nila. Hindi mabasa ang susunod na galaw. Pero ang tiyak lang ay iilang tao lang gumagawa nito. Nakukuha nilang alisan ng signal ang area. Kaya hindi nakukuhang makahingi ng backup ang mga target nila." "Paano tayo makakagalaw kung hindi natin sila kilala? Hindi rin advisable na magpulong-pulong sa arena ang lahat. Dahil mas bibigyan lang natin ng opportunity ang mga taong ito na umatake ng isahan lang." "Iyon nga rin po ang napag-usapan namin ni Magda. Sa tingin n'yo, sir. Hindi po kayo ang Triple El Calvo ang gumagawa nito?" tanong ng tauhan. Bahagya akong umiling. "Hindi pa raw nagkakaroon nang pagpupulong sa susunod na ac