Chapter 51

1028 Words

Sage's Point of View Sa may nguso ng barko ako nagtungo matapos ko silang iwan. May mauupuan naman doon na mga bariles at dahil patag ang aapakan na kahoy. Maaring tumambay kahit sino at dahil nasa mismong nguso ay napakagandang puwesto kung nais lamang maupo at mag-isip-isip gaya na lamang ng ginagawa ko. Sa totoo lang, para akong napahiya kanina. Nakokonsensya sa ginawa kong pagbibintang kay Damian. Masyado akong naging mapanghusga at tumalon agad sa konklusyon. Maari ngang walang halaga ang mga gintong 'yon sa mga nilalang sa isla, ngunit sa mga taong gaya namin ang maliit na piraso ay kaya na kaming buhayin ng matagal-tagal, ngunit ang ganoon karami—baka mabili niyon ang lahat ng mga karatig isla sa amin at mabigyan ng maayos na buhay ang lahat ng mga mamamayan na naninirahan sa amin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD