"Problema 'to. Baka mabutas ang barko sa ginagawa nila," nangangambang usal ni Elliot habang tinatanaw ang mga pating na mukhang walang balak magsitigil hanggang makuha ang gusto nila. Hindi pa naman din basta-basta ang mga laki ng mga pating na umaatake. Mga dambuhala at kung may maliliit, iyon ay ang mga nag-aabang lang sa di kalayuan kung kailan sila aatake. Sa lalaki ng mga sukat nila ay nayayanig ang barko sa bawat pagbangga ng mga ito at kapag nagsasabay sila ay halos bumaligtad ang barko sa lakas ng kanilang mga pinagsama-samang mga puwersa. "Iyan din ang ikinakatakot ko," usal naman ni Merrick na nag-iisip na nang dapat gawin sa mga pating. Mahigpit ang kapit niya sa kahoy sa kaniyang tabi upang hindi tumilapon sa tubig. Isang sigaw mula kay Sage ang narinig nilang tatlo. Saba