Si Sage na walang paglagyan ang sayang nararamdaman ay mabilis na tumakbo papunta sa silid kung nasaan sina Damian at Elliot. Siya na ang nanggising sa dalawang hindi nagawa Merrick na mapabangon. Hindi tinigilan yugyugin hanggang sa makulitan na sila sa kaniya at mapilitang magsikilos. "Bilisan n'yo naman!" pasigaw niyang utos sa kanila. Ang babagal kasing magsilakad. Ayaw naman niya silang iwan dalawa dahil baka bumalik lang sa silid at matulog muli. "I-Inaantok pa 'ko, ate," parereklamo ni Damian na nasa pinakahulihan at pasuray-suray ang lakad. Halos nakapikit pa ang mga mata nilang dalawa at halos magkandabunguan dahil hindi tinitignan nang maayos ang kanilang daan. "Matulog na lang kayo ulit mamaya, may importante kayong dapat makita, lalong-lalo ka na, Damian," aniya naman sa bi