ILANG araw nang tila wala sa sarili si Anamor buhat nang matanggap niya ang s*x video nila ni Marco. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin lalo pa at isang maling galaw lang niya ay kakalat ang video sa social media at iyon ang ikinatatakot niya. Hindi siya puwedeng humingi ng tulong kahit kanino dahil nagbanta ang nagpadala ng video sa kanya na ikakalat nito ang video oras na malaman nitong humingi siya ng tulong. Kaya ngayon ay parang pasan niya ang buong mundo dahil sa bigat ng problema niya at hindi niya alam kung paano niya iyon malalampasan. At wala siyang ibang magawa kundi ang gabi-gabing umiyak hanggang sa makatulog siya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin si Anamor kung paano may nagawing ibang tao sa ilog at nakuhanan sila ni Marco ng video habang nagtatalik sila g