Chapter 23

2330 Words

"AKALA ko ba tinanggihan mo na ang lalaking 'yon? Pero bakit lapit pa rin siya nang lapit sa 'yo?" nakasimangot na tanong ni Marco kay Anamor habang nakatingin sa likod ng papalayong si Patrick. Katatapos lang ng mga itong mag-usap at iyon ang ipinagmamaktol niya. "Nakikipagkaibigan lang naman siya. Tanggap naman niyang hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at naintindihan naman 'yon ni Patrick noong tanggihan ko siya," wika ni Anamor pero umismid lang si Marco sa dalaga. Ilang araw matapos magpaalam ni Patrick na liligawan nito si Anamor ay pinatigil na ito agad ng dalaga na ikinatuwa ni Marco. Kinulit niya nang kinulit tungkol doon si Anamor at hindi siya tumigil hangga't hindi nito bina-basted si Patrick. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD