PUTING kisame ang bumungad sa mga mata ni Anamor nang muling magkamalay siya. Nang ilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto ay napagtanto niyang nasa sarili siyang kuwarto. Bumangon siya para umupo at isinandal ang kanyang likod sa headboard ng kama. Mag-isa lang siya sa kuwarto pero hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Napalunok si Anamor dahil sa nakikitang kaseryusohan sa mukha nito habang diretsong nakatingin sa kanya. "Mabuti naman at gising ka na. May masakit ba sa 'yo? Sinaktan ka ba ni Patrick?" tanong ng kanyang ama pagkaupo nito sa tabi niya. Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses nito kahit na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito. Muling bumalik sa isipan ni Anamor ang nangyari sa ilog nang marinig ang pangalan ni Patrick, ang lal