HALO-HALO ang nararamdaman ni Anamor habang sakay sila ni Marco sa sasakyan patungo sa ilog. Excitement dahil sa sorpresa sa kanya ng binata at pangamba dahil habang palapit nang palapit sila sa ilog ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang masamang nangyari noon doon sa kanya. Iyon ang unang beses na pupunta ulit si Anamor sa ilog makalipas ang mahigit tatlong taon buhat nang magkaroon siya roon ng masamang karanasan sa mga kamay ni Patrick. May kung anong emosyong muling umusbong sa dibdib niya nang bumalik sa isipan niya ang nangyari noon. At tila alam ni Marco ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon dahil hinawakan nito ang nanlalamig niyang mga kamay para pakalmahin siya. "Kalimutan mo na ang nangyari noon, mi amor. Habang nasa tabi mo ako ay hindi na ulit mangyayari 'yon," wika n