KINABUKASAN, maagang gumising si Anamor. Mahimbing pa ang tulog ni Marco sa tabi niya at nanatiling nakakulong siya sa mga bisig ng binata. Dahan-dahan siyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap nito dahil kailangan na niyang pumunta sa sariling kuwarto bago pa may makahuli sa kanila. Gustong-gusto pa niyang manatili sa tabi ni Marco para damhin ang init ng mga bisig nito pero hindi siya puwedeng magtagal pa sa kuwartong iyon dahil anumang oras ay magigising na ang iba nilang kasama sa bahay. Nakahinga nang maluwag si Anamor nang tuluyang makawala sa mga bisig ng binata. Pero hindi nagtagal ay tila naalimpungatan si Marco nang maramdamang wala na siya sa tabi nito. Gumalaw ang isa nitong kamay na tila hinahanap siya habang nanatiling nakapikit ang mga mata nito kaya kinuha niya ang unang