"HUWAG mo akong tutulugan, mi amor. Nagsisimula pa lang ang gabi nating dalawa," wika ni Marco habang papasok sila sa loob ng bahay. Tanging mahinang ungol lang ang naisagot ni Anamor kay Marco dahil hindi pa siya tuluyang nakakabawi ng lakas buhat sa ginawa nitong pag-angkin sa kanya. Nasa mga bisig siya ng binata at buhat siya nito na parang bagong kasal. Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg ni Marco habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Hindi mababakas ang pagkalasing sa paglalakad ni Marco at parang nawala ang epekto ng alak na ininom nito pagkatapos ng namagitan sa kanila kanina sa labas. "Ituro mo ang kuwarto kung saan malaya mong maiuungol ang pangalan ko, mi amor. Hindi na ako mag-aabalang takpan pa ang bibig mo para pigilan ang mga daing at ungol mo mamaya dahil gu