"WALA pa bang laman 'to?" tanong ni Marco kay Anamor habang hinahaplos ang tiyan nito. Katatapos niya lang parusahan ang dalaga at pareho pa silang walang kahit na anong saplot sa katawan habang nakahiga sa ibabaw ng kama. "I'm taking pills..." mahinang sagot ni Anamor na kasalukuyang pinaglalaruan ang balahibo sa dibdib niya pababa sa kanyang tiyan. Kumunot ang kanyang noo sa naging sagot ni Anamor. What? She's taking pills? Ayaw ba nitong magkaanak silang dalawa? "Ayaw mo bang magbunga ang ginagawa natin?" kunot-noong tanong ni Marco. Iniisip pa lang niyang ayaw nitong magbunga ang ginagawa nila ay parang gusto niya ulit itong parusahan nang paulit-ulit sa ibabaw ng kama hanggang sa magdalang-tao ito. "Hindi naman sa ayaw ko. Mahirap at komplikado kasi ang sitwasyon nating dalawa