Chapter 21

2379 Words

HINDI maipinta ang mukha ni Marco habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Anamor at ng isang lalaking katulad niya ay nagtatrabaho rin sa hacienda. Oras ng tanghalian at dinalhan siya ng dalaga ng pagkain at sa kasamaang-palad ay nagtagpo ang landas ng dalawa. Kasamaang-palad sapagkat hindi niya gusto ang pagkikita ng mga ito dahil nagseselos siya sa atensyong ibinibigay dito ni Anamor. Fuck! Ganito rin ba ang nararamdaman noon ni Damon sa kanya sa tuwing magkasama sila ni Phoenix? Ang ibig sabihin ay pinapatay rin siya ni Damon noon sa isipan katulad ng iniisip niya ngayon sa lalaking kausap ni Anamor? Damn! Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Kanina pa ang mga ito nagkukuwentuhan at malapit nang matapos ang oras ng pananghalian ay hindi pa rin tapos mag-usap ang dalawa. At mas naiinis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD