PAGKARATING nina Anamor at Marco sa kusina ay nakahanda na ang pagkain sa hapag kaya umupo na lang silang dalawa at sinimulang kumain kasabay si Nana Rosa. Tahimik lang silang kumain pero ramdam ni Anamor ang mainit na titig ng binata sa kanya. At mabilis na nag-init ang kanyang pisngi nang maalala ang naudlot na tagpo nila ni Marco sa kanyang kuwarto kanina. Muntik na naman siyang bumigay sa binata. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang maramdaman ni Anamor ang paa ni Marco na lumapat sa paa niya. Nag-angat siya ng tingin sa binata pero nakatutok ang atensyon nito sa pagkain kaya ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon dahil tila hindi nito iyon sinasadya. Pero bigla siyang natigilan sa pagsubo ng pagkain nang maramdaman ang paa nitong dahan-dahang umangat sa binti niya at marahang humag