MAGHAPONG inabala ni Marco ang sarili sa pagtulong kay 'Nay Rosa sa mga gawaing-bahay para maiwasan niyang puntahan si Anamor sa silid nito para muling angkinin. Mas lalong lumala ang naging epekto sa kanya ng dalaga at para itong isang ipinagbabawal na gamot dahil nang matikman niya ito ay parang ayaw na niya itong tigilan. Parang mas lalo siyang nabaliw dito. Gusto niyang laging nakikita si Anamor, gusto niyang laging nararamdaman ang presensya nito at higit sa lahat ay gusto niya muling maramdaman ang init ng katawan ng dalaga at ang masarap na sensasyong dulot ng pag-iisa ng mga katawan nila. At iyon ang iniiwasan niyang mangyari dahil hindi pa puwede sa ngayon sapagkat masakit pa ang nasa pagitan ng mga hita nito. Buong araw na nasa loob lang ng kuwarto si Anamor. Dinalhan niya lang