Chapter 44: Mall Date with My Boss

2136 Words

Nang makarating sina Camilla at Adonis sa mall ay naiwan na si Mang Rudy sa sasakyan. Nang alalayan siya ng lalaki na bumaba ay halos ayaw ibigay ni Camilla ang kamay. "Ayaw mo ba?" untag ni Adonis nang mapansing nakatitig lang si Camilla sa kamay na nakalahad sa harapan nito. Nagmamadaling inabot ni Camilla ang palad ng boss upang hindi ito mapahiya. "I will call you later, kuya," turan ni Adonis nang tuluyan siyang makababa sa sasakyan. Nanginginig pa ang katawan habang hawak-hawak nito ang kanyang palad. "Sir," aniya sabay bawi sa kanyang palad. "Oops, sorry," hingi naman nito ng paumanhin agad. Buong akala ni Camilla ay may kliyente silang kakatagpuin dahil 'yon ang sinabi nito ngunit nang makatapat sila sa isang boutique ay hinawakan nito ang kanyang braso upang pigilan. "I kn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD