Tila tupang napaamo ni Brent si Zara na kanina ay parang tigre na lalapa sa hitsura. "Bakit ba mainit na naman ng ulo ng aking reyna?" ani Brent matapos halikan sa labi ng babae. "Paano ba naman kasi ay lumabas sina Camilla at Adonis," anito na tila ba batang nagsusumbong sa ina. "Lumabas?" maang ni Brent. "Yes, may kakatagpuin lang daw na client pero iba ang pakiramdam ko," giit ni Zara. "Are you jealous," palatak ni Brent nang marinig ang sinabi ni Zara. "Jealous?" anito saka tumawa. "My goodness, ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na ayaw ko lang na maagaw ng babaeng 'yon ang atensyon ni Adonis," ulit na saad ni Zara. "Okay, fine, sinabi mo na 'yon so many times, sorry if I asked," nangingiting wika ni Brent na noon ay nagsisimulang lumikot sa katawan ni Zara ang kamay. Nang mada