Nabigla si Savannah nang makilala ang lalaking nakatayo sa harapan ng sasakyan na naglalakad pabalik-balik na tila ba may hinihintay. Hindi siya maaaring magkamali, halos dekada man ang lumipas pero hindi niya makakalimutan ito. Binusinahan niya ito upang kunin ang pansin at nang nakatingin na sa kanya ang lalaki ay bumaba siya ng sasakyan. Nakakunot-noo itong nakatitig sa kanya na sa hinuha ay nag-iisip kung sino siya. Matamis ang binibigay sa lalaki kaya lumapit ito. "Excuse me, miss, do I know you?" maang na wika nito. "Of course, Kuya Rudy," sagot niya sa lalaki. Napatiim ang titig nito at napaisip ng malalim. Natawa si Savannah dahil mukhang malaki ang pinagbago niya upang hindi siya nito makilala. "Ano pong ginagawa niyo rito?" usisa niya sa lalaki. "Hinihintay ko si Ado—"