Napasinghap si Camilla at napahugot ng malalim na paghinga nang tuluyang mapaupo sa kinahihigaang kama. "Oh my God!" bulalas niyang saad sa gulat sa kanyang nararamdaman at sa biglaang pagkatok ng sinumang nasa labas ng kanyang silid. Muling kumatok ang nasa labas kaya napilitan na siyang pagbuksan ito. "Sino 'yan?" tanong nang maisipang baka si Brent na naman ang nangangahas na pumasok sa silid niya. "Camilla si Manang Rosa ito, nagambala ba kita?" untag ng matanda. "Hindi naman po," aniya nang mabilis na buksan 'yon. "Pasensiya na medyo naniniguro lang kasi ako baka si Brent o si Zara na naman kasi," palatak niyang saad sa matanda nang makapasok ito. "Hindi kita masisisi, hija, mabuti na rin 'yong nag-iingat ka, dinala ko lang 'tong gamit mo," anito sa hawak na nakatuping damit. "N