"Hann... ano sa tingin mo?" tanong uli ni Sevie. "Sev, ilang beses mo nang tinanong sa akin ‘yan? At ilang beses ba kita sasagutin na ikaw ang bahalang mag-decide..." sagot ko naman. Maga-alasdose na ng hatinggabi. As usual sinundo uli ako nito. Nasa isang 24-hour pares house kami. Ganito na kami magtawagan ni Sevie dahil ganito na din kami kapalagay sa isa’t isa. Pero wala pa din naman kaming matatawag na pormal na relasyon. "E gusto ko nga, ikaw ang mag-decide para sa akin," sabi uli nito. "Ay naku, Sev. Marami na akong iniisip maghapon pati ba naman ‘yan ako pa ang magde-decide? Ano bang gusto mo?" tanong ko dito. "Ang gusto ko... kung anong gusto mo," sagot nito. Napatulala ako sa kanya. Medyo may ilang segundo bago nag-sink-in sa akin iyung sinabi niya. Naihilamos ko ang kamay k

