Pagkatapos ng gabing iyon ay wala na uli akong balita kay Adam. Ayoko din namang magtanong pa kay Clover. Para saan pa? Nakaya ko nang minsan na buuin ang pagkatao ko na wala siya, at ayaw kong bumalik na naman ako sa dating kinakaawaan ang sarili ko. Andyan naman si Sevie. Ibubuhos ko na lang sa kanya ang pagmamahal na dapat sana ay para kay Adam. Hindi ko pa rin nasisita ang mga kaibigan ko sa nalaman ko mula kay Adam. Kung may alam si Sevie tungkol doon ay hindi ko rin alam. Lalo na ngayong busy season na naman para sa mga Accountants na tulad naming ni Clover. "Hannah... remind lang kita. Malapit na uli ang Holy Week," paalala sa akin ni Clover. "May magagawa ba naman ako?" pagbibirong sagot ko. "Friend, alam mo naman iyun. Hindi ako nagli-leave sa buong taon, except sa holiday na

